NSTP CHAPTER 4: DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT

UST – NSTP students kasama ang Kagawad – Chairman na si Joselito Esepera

Ang aming napiling barangay ng aking mga kaibigan ay Barangay 471 Zone 46 District IV. Sa aming pagpunta ay nakausap namin ang Kagawad – Chairman ng Disaster Risk na si Joselito Espera. Ayon sakanya ay napaka – importante na may Disaster Risk sa isang lugar upang mapaalam sa mga tao ang iba’t ibang kalamidad o bantang panganib na pwede natin maranasan. Pwede natin mapaghandaan ito dahil sa mga inihanda nilang mga hakbang kung ano ang gagawin sa bawat kalamidad. Batay sa aking naaalala ay ang mga kalamidad/hazards na tumama sa barangay na ito ay bagyo lamang. Alam naman natin lahat na bahain ang Metro Manila, tuloy – tuloy na pagdalos ng ulan ay magkakaroon na agad ng baha. Nalalaman natin na may paparating na bagyo dahil sa mga balita ng PAGASA. Mahalaga ang panonood ng mga balita upang malaman natin kung ano ang mga nangyayari sa ating paligid. Ang bagyo ay madalas nangyayari tuwing June kaya naman tinawag itong rainy season. Kapag tumama ang bagyo sa ating lugar ay sa tingin ko ang malubhang mapipinsala ay ang España dahil mababa ang lupa nito at barado madalas yung mga canal. Para sakin, ang mga taong maaapektuhan ng sobra ay ang mga taong kalsada o ang mga taong tinatawag nating “Squatters”. Wala silang permanenteng bahay at sa kalsada lamang sila natutulog. Kapag nagkaroon ng malakas na ulan at nagbaha sila ang maaapektuhan ng malubha dahil wala silang masisilungan. Ang mga epekto ng sakuna sa atin ay pwede nitong masira ang mga pangkabuhayan natin. Isang halimbawa nito ang mga magsasaka, alam naman natin na nasisira ang mga tanim nila dahil sa bagyo. Para po sa akin ay naka-depende ang ligtas na lugar sa kung anong klaseng sakuna ito. Halimbawa nito kapag may bagyo, alam naman natin na ang ligtas na lugar ay ang mga matataas na lugar. Kapag naman lindol naman, ang ligtas na lugar ay ang mga open space na lugar kagaya ng mga football field dahil malayo ito sa mga building na maaring bumagsak. Ang mga suliranin kaya hindi umuunlad ang pamayanan at hindi nakakabangon yung mga nasalanta ng sakuna ay ang gobyerno. May mga corrupt kasi na official na nasa gobyerno. Imbis na ginagamit nila ang pera para makatulong, ginagamit nila ang pera para sakanilang mga sarili. Ang mga hakbang na ginawa ng barangay upang mapaghandaan ang mga sakuna ay mayroon silang plano kapag nangyari ang bawat sakuna na ito. Ang mga namamahala sa barangay kapag may sakuna ay ang mga barangay officials. Nagkakaroon sila ng pagpupulong kung ano ang dapat gawin.

Paghahanda para sa bagyo

Paghahanda para sa baha

Paghahanda para sa Lindol
Paghahanda para sa sunog

Ayon kay kagawad – chairman na si Joselito Espera ang hazard ay isang panganib at halimbawa nito ang mga sakuna. Kailangan mapaghandaan ang mga sakunang ito upang hindi tayo maapektuhan ng sobra. Malaki ang natutulong ng mga plano na inihanda nila upang malaman ng mga mamamayan ang dapat gawin kapag may bagyo, lindol o sunog. Ang nangyayari sa ating bansa ay hindi pa rin tayo natututo sa mga mali na ginagawa natin kaya naman grabe ang epekto ng mga sakuna satin. Hindi pa rin tayo marunong magtapon ng basura sa mga tamang tapunan kaya naman nakakaranas pa rin tayo ng baha. Napakahalaga na mayroon tayong kaalaman sa mga bagay na ganito kaya naman bilang estudyante ng University of Santo Tomas ay maaari kong i-share ang aking mga kaalaman sa aking mga kapwa ko mag – aaral at pwede din akong magpost sa aking facebook site ng mga poster na nagpapakita ng mga dapat gawin kapag may sakuna. Narealize ko na talagang importante na alam natin yung mga dapat gawin at dapat lagi tayong handa sa mga sakuna. Tayo lang din mga mamamayan ang magtutulungan at magkakaisa upang bumiti ang lagay ng ating sinasakupan.

España Boulevard – flood prone area